WHERE ARE THE PEACHES??!!!
July 30th, 2006 by les6Ha! Sa wakas nakapag-blog ako ulit! Ilang araw ko na sinusubukang mag-blog pero ayaw mag-appear ng cursor dito sa loob ng white box!! Sa wakas ako ay nagtagumpay! hehe..
Anyway,start na ako ng work as a nurse-ay registered nurse pala(pagbigyan nyo na ako! matagal ko nang inaasam-asam ang titulong ito,no! hihi..) sa Palmetto General Hospital on Aug.7. Syempre orientation muna ako for 1 week kaya nakaupo lang ako pero may bayad! Har! Ang shift ko e from 7am to 7pm.
Nagpunta kami ng ate ko at nanay namin sa Savannah,Georgia nung July 14 & stayed there until July 18. My first glimpse of Savannah e puro mga puno! As in! It’s not really a very big city like the state capital ng Georgia which is Atlanta but Savannah has it’s fair share of tourists. Kakatuwa nga kasi nung nag-deplane na kami,ung lobby ng airport nila e parang park! Para sa mga laking Cubao, imagine nyo ung artificial park sa loob ng SM Cubao nung ’80s. Ganun ang lobby nila: may sunroof, benches, round glass tables, artificial trees–AT, meron pa silang rocking chairs!!! Rocking chairs sa loob ng airport!! Nun ngang nag-stop over kami sa Charlotte,North Carolina e mas madami pa ung rocking chairs nila & people of different ages are actually using them!
We stayed at Hampton Inn sa historic district ng Savannah kung saan ung mga.. well, ung mga historical details ng Savannah! Ano pa nga ba! All in all, ung historic district has 21 squares or parks(!!!) as a plan ng founding father nila, si Oglethorpe. Nung 1st morning namin dun e sumakay kami ng trolley ride para mas mabilis naming makita ung district-at may tour guide pa kami!! Kaya enjoy ung ride kasi may nagkwe-kwento kung ano ung mga dinadaanan naming mga landmarks. Dun din namin nalaman na ang founder pala ng Girl Scouts,si Juliette Gordon Lowe e nakatira pala sa Savannah nung buhay pa sya. (Di po ako Girl Scout…) AT, dun sa Chippewa Square kung saan nakatayo ung statue ni Oglethorpe e dun din nag-shooting ang Forrest Gump starring Tom Hanks! Kung alala nyo pa sa mga nakapanood, nakaupo sa bench si Tom Hanks habang naghihintay ng bus nung sinabi nya sa katabi nyang babae na "My momma said life is like a box of chocolates. You never know what you’re gonna get." Un ung saktong square! Unfortunately, no one thought of putting a name on THAT bench kaya wala akong picture!! So sad..
The community of Savannah was built beside a river kaya ung river na un e pinangalanang Savannah River(for obvious reasons)(hmm.. I’m starting to sound lame..). Madami sa mga restaurants nila serve seafood caught from the river itself. Kaya namin napiling pumunta sa Savannah kasi gusto naming makita ung mga well-preserved architecture ng mga bahay nila dun which are colonial style/ plantation houses since it was founded by the British. Ung plantation houses na tinutukoy e may mga wooden shutters. Imagine nyo na lang ung sine ni Mel Gibson na "The Patriot". Ganun ang plantation houses!
(O di ba? andami nyong natututunan sa akin..? hehe..)
Can’t complain about Savannah except for one anomaly: WHERE ARE THE PEACHES??!!! Dito kasi sa States, Georgia si known as the Peach state. Well, guess what? NI ISANG PEACH WALA KAMING NAKITA!! You think na dahil nga sila ang peach state e nagkalat na sa mga tindahan at restaurants ang iba-ibang luto ng peach pero wala!! Ano un?! In-export na nila lahat ng peaches nila??!! Di man lang sila nagtira para sa amin!
WAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!