Archive for March, 2008

Wednesday, March 19th, 2008

Ha! Ikakasal na ako next year! Excited ako at kinakabanhan at the same time. Imagine…ikakasal na ako! Isusumpa ko ang sarili ko sa 1 lalake lang! Di naman dahil ako ay perenially unfaithfull kay Mike or I see myself like that in the future. Pero may mga pangako kayo na walang hanggan (hmm.. parang soap opera) sa isa’t-isa. At ung pagsasama nyo e sagrado at pang-habang buhay. Di naman mahirap para sa akin maging loyal kay Mike…at may tiwala naman ako sa kanya, pero the fact na magiging asawa ko sya sa harap ng halos 100 tao sa simbahan  scares the sh-t out of me! Pwede bang magtanan..? Actually, hindi. Dahil minsan lang namin gagawin ito sa buhya naman at syempre gusto namin andun lahat mga kapamilya at kaibigan namin-kahit na alam naming kakabahan kami pareho sa araw na un! So, that is that!

Dahil pareho nga kaming wala sa ‘pinas e wala kaming ma-finalize sa kasal namin. Except for the wedding date at ung simbahan, wala pa kaming nagagawa at wala pa kaming mga contracts na napirmahan. Nag-set kami ng budget at andami ko nang na-planong gusto ko gawin sa kasal until umuwi ako last year ng November…

It turns out na half pa lang ng budget naming 2 na nilaan namin e mapupunta sa reception. Understandable,  dahil un ang major expense sa kasal.