A lot of “conyo” going on…

"Conyo"- Cuban Spanish for "shit"

Life sucks, alam nyo ba un? Tahimik lang ako pero ung utak ko sumisigaw na nang,    "Di ko na ito kaya!!!!!!!!!". Gusto ko na mag-quit ng trabaho ko- alam ko kung ano ang gusto kong gawin, maging writer-pero ung other side ng utak ko e "kailangan mo ng pera, kailangan mo ng stability, kailangan mo mag-ipon…" One time naiiyak na ako kung bakit ganito ako ka-miserable sa trabaho ko. Ang aga mo gigising, ung mga patiente mo na ang kukulit umaga pa lang, panay ang reklamo, gusto ko na sigawan, "HINDI ITO HOTEL NA MAY DAY-SPA!!! KAILANGAN MO PALIGUAN ANG SARILI MO KUNG KAYA MO, OKAY??!!!" o kaya " SUCK IT UP!!!". Tapos sasabihin sayo ng mga patients minsan, "Filipino nurses are so good!!!" o kaya "If you’re a nurse, you love taking care of people." NgumIngiti na lang ako dahil ayaw ko naman maging bastos pero gusto ko na sabihin, "Yeah, right!! I’m only here for the money"Yes, I hate my job!! I wish I have a devil-may-care attitude at ibigay ko na ang 2 weeks notice ko sa boss ko- gusto ko na talaga umalis sa medical field! Sukang -suka na ako sa hospital! Sa mga patient at kamag-anak na walang common sense!!

Bibigyan ko ang sarili ko ng 2 years, after nun, aalis na ako ng nursing FOREVER!! May kailangan lang akong gawin bago ako mag-career change. Although 2 years IS a long time…      

3 Responses to “A lot of “conyo” going on…”

  1. Sherlyn Says:

    Gusto sana kitang batiin ng ‘kamusta ka na’ pero parang obvious na hindi ok. :)
    Puede ka pa rin namang magsulat kahit andyan ka pa sa nursing. Nakakatawa kaya yung kwento mo nung pasyente na dumudugo ang kamay! Naiimagine ko kse…

    Pero magandang punto yun ha… yung parang innately human pala yung nagiging dependent to the point na naisasantabi ang common sense kapag merong ibang taong maaasahan.

    O baka ang mga pasyente (or lahat ng tao) ay may matinding pangangailangan na maramdaman na importante sila kaya hinahanap hanap nila ang pangangalaga o serbisyo ng iba.

    hmm….

    Mag vitamins ka lagi para pangotra sa stress! Nakakatanda ang stress…

    Cge, ingat!

  2. Oscar Says:

    :)

  3. Mittu Says:

    Blogwalking ..
    nice posting i found here,.. thanks for the info

Leave a Reply