Archive for November, 2005

strange but true..

Wednesday, November 30th, 2005

Last Sunday I found out na di ako pumasa sa NCLEX. I feel bad kasi I’ve waited for it for more than a year at kailangan ko sya i-retake. kapag nakapag-apply na ako, by February siguro pwede na ako mag-exam. Disappointed ako sa sarili ko kasi I’ve never failed in any exam before-except for Math na talagang waterloo ko. Pero ngayon na lumipas na din ang ilang araw,I don’t feel as bad as I did last Sunday kasi na-realize ko na may chance naman ako to re-take the exam.

this past year,starting last June 2004 until this month,andaming strange  things na nangyayari sa family namin but they’re all true:

1.June 2004> nawala ko ung green card ko & I had to wait for months bago ko nakuha ung bagong green card;importante talaga un kasi di ako makakapag-apply for a social security card na kailangan ko para makakuha ng trabaho

2. December 2004>ninakawan kami dito sa Miami; nakuha ung mga alahas,ung 2 TV, DVD, computer,printer; ang masakit pa don,nakapag-set up na kami ng Christmas tree at naglagay kami ng empty decorative gift boxes sa paanan ng tree at nung ninakawan kami,pati ung mga gift boxes binuksan ng mga magnanakaw! e kung may laman na regalo ung mga boxes pati ba naman un kukunin pa nila?! sobra na un!

3. July 2005>nabaril ung kapatid ko,si VJ, at nung 1st few months after nun e di sya makalakad; thankfully,kaya na nya umakyat ng hagdan ngayon with assistance-which is a better clinical picture,believe me, dahil nung una e kailangan pa nya buhatin paakyat at pababa ng hagdan. sadly,di na nahuli kung sino man ung nang-hold up at nakabaril sa kanya.

4. Nov.27,2005> nalaman ko thru phone na di ako pumasa ng NCLEX

5. Nov.28,2005> nabangga ng car ng ate ko ung car ng nanay namin dito mismo sa tapat ng bahay. wala namang na-injure BUT IT COULD HAVE BEEN WORSE! buti na lang at di sila nabangga sa daan habang nag-da-drive. wala naman sa loob ng kotse ung nanay namin so okay naman kami lahat dito

6. Nov.29,2005. the following day, nagpunta ang nanay namin sa post office at after almost an hour eh tumawag dito sa bahay at sabi sa akin na nabangga ulit sya! on the same spot na nabangga ni ate ung car nya! di naman sya na-injure at pwede na -i-claim sa insurance ung damages sa kotse. in a way,na-lessen ung gastos though tataas ung premium ni ma sa insurance.

Strange..but true!   

NCLEX

Wednesday, November 23rd, 2005

I took the NCLEX yeaterday,Nov.22, and I’m telling you,people,ANG HIRAP!! for those who are not in the know what the NCLEX is,un ang state board exam dito sa States,though it depends sang state mo gusto mag-apply,in my case,nag-apply ako sito sa Florida.may iba-ibang requirements per state.

anyway,tinapos ko ung exam until #265. it’e either a minimun of 75 or maximum of 265 items ang sasagutan mo,at kahit na tinapos ko pa ung exam,di pa rin sure kung pasado o hindi dahil depende kung naabot mo ung level of difficulty ng exam.

di ko nga alam kung ano iisipin ko e. feeling ko pasado ako kaya lang ayoko namang maging kampante kaya pinapasa-Diyos ko na lang ung result ng exam ko. pero syempre mas maganda kung pasado agad,di ba? buti na lang walang computations kundi patay na ako! di ko pa naman kabisado ung conversion ng pharma!kinakabahan ako kasi alternate na mahirap at madali ung mga tanong sa exam ko. madaming tanong sa kain abt sa medications & side effects.di ko naman sinasabi na laging lilitaw ang mga meds sa NCLEX,un kasi ang nangyari sa akin.at madami ding tanong abt sa prioritization,& assessment.

well..I pray to God na pumasa agad ako!