VJ

nabaril ang kapatid ko sa tiyan nung July 5 dahil sa hold-up.there’s no other way to say it. nasa computer rental shop sya kasama si Paeng,kaibigan nya,nang biglang  pinalo ang kapatid ko nang baril sa likod o sa batok,nakuha ang cel nya at nabaril sya. ang kinagagalit naming lahat,nakuha na nga ung cel,bakit pa nya kailangang barilin ang kapatid ko????!!!!!!! wala na ngang magawang matino ung holdaper babarilin pa nya ang kapatid ko!!!  ngayon,ang kapatid ko halos di makabangon ng kama kung walang bubuhat sa kanya dahil na-trauma ung lumbar spine nya!di rin sya halos makalakad!ISANG MALAKING SHIT!!!!SHIT!SHIT!SHIT! AAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! ilang months pa ang aabutin nya sa rehab para maka-recover. kinailangan ding umuwi ng nanay namin mula dito sa States dahil dito. sa ngayon,asa bahay na ang kapatid ko after nya ma-confine sa hospital. di pa rin nahuhuli ung holdaper.         

Leave a Reply