tambay for 1 year..
one year na akong tambay ng bahay namin dahil sa sunod-sunod na malas na nangyari sa kin mula ng dumating ako dito sa States. eto ang nangyari:
1.nawala ko ang aking green card > noong nag-stop over ang plane ko sa Detroit,Michigan,U.S.A. kailangan kong mag-present ng aking mga identification,specifically ang aking green card at passport. nagkataon naman na di naibalik sa akin nung immigration officer ung green card ko kaya umuwi ako sito sa Miami na walang kamalay-malay ay naiwan ko pala sa airport ng Detroit ung green card ko!!! ilang buwan pa ang hinintay ko para makapag-apply sa replacement ng card. finally, noong December 2004,nakuha ko na ung bago kong green card-pero mas gusto ko ung kuha ko dun sa 1st green card ko kasi side view lang sya..hehe!!
2. requirements ng Board of Nursing ng Florida >syempre,kailangan ko mag-apply para makapa-take ng exam. e ang kaso,ang daming requirements!gusto nila ng evaluation ng transcript ko mula sa Arellano University.e di nagpa-evaluate ako. sabi nung evaluation office na napuntahan namin,kailangan daw nila ng course by course description at gusto nila ng official statement from the school kung ano ang language ng instruction at language ng textbooks na ginamit sa Arellano!! HELLO? di ba nila alam na English din ang language of instruction dyan sa ‘pinas?! kainis ang mga tao dito!samantalang ang daming Cubans na pumupunta dito sa Miami na di man lang makapag-salita ng English!!! bad trip!
3. ang kakuparan ng Arellano> humingi ako ng favor sa pinsan ko,si Gayle,na pumunta sa Arellano para kumuha ng course by course description ng "Institute of nursing" dahil kailangan ko para sa evaluation. noong 1st time sya pumunta,sabi balik na lang daw kinabukasan kasi puro estudyante ang andoon sa registrar’s office na nagpapa-enroll ng mga estudyante rin!ano ba yan!noong bumalik sya, sabi balik na lang daw sa ibang araw dahil 1st day of classes daw! then,finally, noong may kausap na rin sya na talagang nagtra-trabaho sa registrar’s office,sabi balik daw sya after almost 3 weeks para kunin ung mga ni-request na forms!! ganun ba kahirap kumuha ng course by course description? as it turns out,GANUN NGA KAHIRAP!!!
So,ngayon a dito lang ako sa bahay,panay ang review para sa exam-kapag sinisipag!hehe!
December 23rd, 2008 at 8:40 am
Nice Article. Keep up The Good work.
Thanks for the information!!